Sino si Regie Antiojo?
Si Regie Antiojo ay may sapat na kaalaman, kakayahan, at karanasan para maisatupad ang mga binitawan niyang plataporma na tunay naman pong nararapat para sa Mandaluyong. Maaasahan natin na hindi po ito mga pangakong pangkampanya lamang.
Bakit tumatakbong Konsehal si Regie Antiojo para sa Distrito Dos ng Mandaluyong?
Hindi sumagi sa isipan ni Regie na pumasok sa politika sa Mandaluyong hanggang sa natanto niya na hindi pala sapat ang katapatan ng puso na makatulong sa kapwa. Kinakailangan din pala magkaroon ng tamang impluwensya para mas mapalawak, mas mapadali, at tuloy-tuloy ang pasok ng tulong na ibababa sa mga Mandaleño.
Trabaho
Eengganyuhin nito ang mga lokal na kalakalan na makiisa sa layuning maging prayoridad sa empleyo ang mga Mandaleño.
Kabuhayan
Isusulong nito ang pagsuporta sa mga maliliit, kakaiba at mabentang ideya ng mga kooperatiba. Ninanais nito na palawakin ang mga magaganda, maaayos at asensadong samahan.
Pamumuhay
Iuusad nito ang mga adbokasiya patungkol sa imprastraktura, kalinisan ng kalikasan, teknolohiya, kasiguraduhan ng pagkaing pangkalusugan at pagpapalakas sa bawat pamilyang Mandaleño.
Sektor
Kakampi nito ang mga senior citizens, PWDs, at LGBTQ+ sa kani-kanilang mga hinanaing na mapakinggan ang kanilang boses at matuunan sila ng pansin.
Kahandaan
Isusulong nito ang bolunterismo lalung-lalo na sa mga panahon ng kalamidad, kasawian, pandemiya, sakuna, at maging sa mga kasayahan at kung ano pang mga kaganapan.