Headquarters#307 Dansalan corner Malapantao Brgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong City

PLATAPORMA

Ang Tunay na Ayuda, Magpapalaya.

Ang “Ayudang Mapagpalaya” ay ayudang may tiwala sa galing at talino ng Mandaleño, kung kaya’t hindi binabaon ang tao sa utang na loob. Bagkus inaangat at iginagayak siya para mismo maging instrumento sa pag-angat ng iba pang buhay.
Ang “Ayudang Mapagpalaya” ay nag-aabot-kamay at yumayakap sa lahat na kulay ng politika, dahil naniniwala ito na ang kaligtasan ng bayan ay nakasalalay sa kaligtasan at kaayusan ng bawat mamamayan. At ang kaligtasan na ito’y walang kulay.
Ang “Ayudang Mapagpalaya” ay may progresibong pananaw –mausisa, masigasig, positibo, bukas ang isipan, at mapamaraan. Isinusulong ng “Ayudang Mapagpalaya” ang bukas na balitaktakan at hindi lamang “friendly competition”, kundi “global competitiveness” ng yamang-tao ang madiin na inuusad nito.
Ito ay may limang (5) adyenda:

Sisikapin ng “Ayudang Mapagpalaya” ang mabigyan ng daan ang mga produktibong mamamayan ng Mandaluyong sa mga trabahong angkop sa kani-kanilang kakayahan.

Isinusulong nito ang pagkakaroon ng isang imbentaryo sa bawat barangay ng mga kakayahan ng kanyang kinasasakupan para meron itong handang direktoryo ng mga kabarangay na tinatawag natin employable o madaling maipasok sa trabaho.

Isusulong nito ang mga pagsasanay tungkol sa mga makabagong kaisipan at kakayahan. Eengganyuhin nito ang mga lokal na kalakalan na makiisa sa layuning maging prayoridad sa empleyo ang mga Mandaleño.

[/vc_row_inner]

Isusulong ng “Ayudang Mapagpalaya” ang malikhaing pag-iisip ng mga Mandaleño sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga maliliit, kakaiba at mabentang ideya ng mga kooperatiba. Ninanais nito na palawakin ang mga magaganda, maaayos at asensadong samahan.

Iuusad ng “Ayudang Mapagpalaya” ang tinatawag na briding leadership, kung saan isinasatabi ang mga kulay ng politika at ng sa ganon, magkakapit-bisig ang mga Mandaleño sa pag-angat ng kanilang lungsod.

Ang uri ng ganitong liderato ay ramdam sa mga adbokasiya patungkol sa naaangkop na imprastraktura, kalinisan at kalusugan ng kalikasan, makabagong teknolohiya, kasiguraduhan ng pagkaing pangkalusugan at pagpapalakas sa bawat pamilyang Mandaleño.

Kakampi ng “Ayudang Mapagpalaya” ang mga senior citizens, PWDs, at LGBTQ+ sa kani-kanilang mga hinanaing na mapakinggan ang kanilang boses at matuunan sila ng pansin, hindi sa pamamagitan ng kung anu-anong mga pakulo o pangpalubag-loob na gimik, kundi mabigyan sila ng kaukulang respeto, dahil sila ay kabahagi pa rin ng yamang tao ng Mandaluyong.

Sisikapin ng “Ayudang Mapagpalaya” ang mabigyan ang mga sector na ito ng angkop na tulong patungkol sa kanilang kalusugan maging pisikal man o sa kaisipan gaya ng mga iba’t-ibang therapies, pang-maintenance na gamot, mga kasayahan, at ganon din ng mga pagkakaabalahan na pagkakakitaan.

Isusulong ng “Ayudang Mapagpalaya” ang bolunterismo sa Mandaluyong lalung-lalo na sa mga panahon ng kalamidad, kasawian, pandemiya, sakuna, at maging sa mga kasayahan at kung ano pang mga kaganapan.

Bubuhayin at palalaganapin ng “Ayudang Mapagpalaya” ang mga magagandang kaugaliang Pilipino gaya ng pakikipagkapwa at bayanihan.