Iuusad ng “Ayudang Mapagpalaya” ang tinatawag na briding leadership, kung saan isinasatabi ang mga kulay ng politika at ng sa ganon, magkakapit-bisig ang mga Mandaleño sa pag-angat ng kanilang lungsod.
Ang uri ng ganitong liderato ay ramdam sa mga adbokasiya patungkol sa naaangkop na imprastraktura, kalinisan at kalusugan ng kalikasan, makabagong teknolohiya, kasiguraduhan ng pagkaing pangkalusugan at pagpapalakas sa bawat pamilyang Mandaleño.
Kakampi ng “Ayudang Mapagpalaya” ang mga senior citizens, PWDs, at LGBTQ+ sa kani-kanilang mga hinanaing na mapakinggan ang kanilang boses at matuunan sila ng pansin, hindi sa pamamagitan ng kung anu-anong mga pakulo o pangpalubag-loob na gimik, kundi mabigyan sila ng kaukulang respeto, dahil sila ay kabahagi pa rin ng yamang tao ng Mandaluyong.
Sisikapin ng “Ayudang Mapagpalaya” ang mabigyan ang mga sector na ito ng angkop na tulong patungkol sa kanilang kalusugan maging pisikal man o sa kaisipan gaya ng mga iba’t-ibang therapies, pang-maintenance na gamot, mga kasayahan, at ganon din ng mga pagkakaabalahan na pagkakakitaan.
Isusulong ng “Ayudang Mapagpalaya” ang bolunterismo sa Mandaluyong lalung-lalo na sa mga panahon ng kalamidad, kasawian, pandemiya, sakuna, at maging sa mga kasayahan at kung ano pang mga kaganapan.
Bubuhayin at palalaganapin ng “Ayudang Mapagpalaya” ang mga magagandang kaugaliang Pilipino gaya ng pakikipagkapwa at bayanihan.